Friday, October 19, 2012

Love-less Wolves

              Balita sa NBA ngayon na may hand injury si Kevin Love. Broken hand ang nakita, ang masakit nito, shooting hand pa niya yung nadali. He can miss 6-8 weeks daw pero no need to have surgery naman. 

             Haaay, buhay nga naman oh. Nakikita ko pa naman na talagang nag-improve ng husto ang roster nila with the acquisitions of Andrei Kirilenko, Alexey Shved, Dante Cunningham at syempre, ang nagbabalik na si Brandon Roy, isang former West All Star. Ngayong wala na si Love at ang kanyang 26.0 points and 13.3 rebounds, pati din ang may injury nilang point guard na si Spaniard Ricky Rubio na hindi babalik hanggang December, palagay ko ay mahihirapan silang suungin ang first quarter ng regular season. Halata naman eh. Pero kung mag i-step ang ang natira nilang teamates, lalo na si second year forward Derrick Williams, mababawasan naman siguro ang kanilang pangangailangan sa dalawa nilang star players. Well, tingnan natin. Two weeks nalang naman, makikita na natin sila sa hardcourt. 

No comments:

Post a Comment